INI-LAUNCH ang The Bar (Orange Vodka at Lemon-Lime Gin) sa bagong Eastwood Mall last Saturday night.
Dinaluhan ang okasyon ng dalawang celebrity endorsers nito na sina Jake Cuenca at Angelica Panganiban na aminadong parehong hard drinker, pero in moderation lang daw.
Ayon sa Emperador Distillers (na siyang gumagawa ng The Bar), marami silang kinonsider na mga artista na Kapamilya at Kapuso bago naging final choice nila sina Jake at Angelica.
Never daw nilang kinonsider si Baron Geisler na maging endorser nila dahil alam naman ng lahat kung ano ang nagiging behavior ni Baron kung nasosobrahan ito ng inom.
Kinonsider din nila si Derek Ramsey para makapareha ni Angelica bilang endorser, kaso nga lang mas sikat si Jake kaya mas pinili nila ang aktor.
Sa pagkabanggit ng pa-ngalan ni Derek ay nagtampong-pururot kuno si Jake at pa-insecure effect.
Pero, alam namin na nagbibiro lang siya lalo na nang mag-comment siya ng: “Huwag n’yo naman akong tanggalan ng endorsement.”
Ipinagtanggol nga pala ni Angelica si Derek sa pagsabi sa isang interview na hindi ito naniniwala sa kasal.
“Kasi, ang katuwiran ni Derek, marami siyang nakitang nagkakahiwalay na mga mag-asawa kaya bakit pa magpapakasal?Sa ngayon din naman, hindi ko iniisip ang tungkol sa marriage, bata pa rin naman ako. Baka kapag umabot na ako ng 30 years old tulad ni Ate Juday ay baka ma-feel ko na rin ang magpakasal. And by that time, kung nakikita ni Derek na ito ang gusto ko, I’m sure papayag na siyang magpakasal kami,”pahayag ni Angelica.
1 Comment
angelica ang ganda mo sana lang kung ano magiging desisyon mo sa buhay ay di ka magkamali.kc ang mga artistang tulad nyo kahit nabibigo di mahahalata kasi pwedeng matakpan ng itsura nyo ang nakatagong lungkot na nararamdaman nyo at ako bilang humahanga sa ganda mo nanghihinayang kung di maganda ang kahihinatnan ng buhay mo.its me marivic