Matagal-tagal ding nawala sa showbiz ang dating Wowowee host na si Janelle Jamer. Nagpaalam ito sa pamunuan ng Wowowee at sa host nito na si Willie Revillame na magpupunta na muna siya sa US para mag-train in dancing and singing. Nang huli naming makausap si Janelle, sinabi nito na sasailalim siya sa isang dance at singing workshop sa Los Angeles para mahasa pa ang kanyang talento.
Pero bago pa man umalis si Janelle, sari-saring intriga na ang dumating sa kanya. May naglabasang intriga na kaya siya aalis ng Pinas dahil buntis daw ito at sa US manganganak. May balita pang si Willie pa nga daw ang ama ng pinagbubuntis niya. Pinabulaanan na ito ni Janelle at sinabing walang katotohanan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay matay ang intriga.
Kalalapag lang ni Janelle kaninang umaga, via Cathay Pacific flight mula sa Los Angeles at personal na nakasalubong ng inyong lingkod ang nagbabalik na singer-TV host. Marami siyang bitbit na kuwento at handa na siyang sagutin ang intrigang kesyo buntis daw siya at nanganak sa US. May nakarating din sa aming balita na may bago na raw kinakasama itong si Janelle. Isang Amerikanong talent scout na nagngangalang Kevin Michael daw ang boyfriend ngayon ni Janelle. Ito raw ang nag-train at humahawak ngayon kay Janelle sa kanyang mga proyekto sa US.
May balita rin kaming nakuha na nang-indyan pa daw ng ilang Wowowee shows si Janelle sa US, lalo na sa Texas. Kasama daw si Janelle sa ibang posters, TVC ads at iba pang promo materials ng naturang show sa Texas pero nang-indyan daw siya. Paliwanag ni Janelle, wala naman daw kumontak sa kanya kahit manager niya.
Abangan niyo dito sa Abs-cbn.com ang ilan sa mga detalye at eksklusibong kasagutan ni Janelle sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayong nakabalik na siya dito sa Pinas.
Original Post : Exclusive: Janelle Jamer, nanganak nga ba sa US?