Pinatunayan ng Wowowee na ito nga ang nag-iisang ‘tahanan ng bawat Pilipino saan man sa mundo’ dahil talagang pinagkaguluhan ng mga Kapamilya ang pagtatanghal ng top-rating noontime show sa Dubai Festival City sa UAE last Friday, January 30. Punong-puno ng mga masugid na Wowowee fans ang malawak na venue kung saan ginanap ang show. Mukhang super sulit naman ang paghihintay ng mga tao dahil sa napakagandang show na kanilang napanood mula kina Willie Revillame at ng kanyang buong barkada.
Opening number pa lang umaapaw na sa energy ang lahat sa pangunguna ni Willie na inawit ang kanyang signature song na Igiling-Giling. Tuloy tuloy ang kasiyahan dahil naghanap si Papi ng 20 mula sa audience na may best Igiling-Giling moves na nakapaglaro sa kwelang ‘Hep Hep Hurray’ portion ng show. Halatang nasusubaybayan ng players ang masayang laro dahil lahat sila ay super attentive sa pagsigaw ng ‘Hep, Hep, Hurray!. Sa huli ay isang maswerteng babae ang nakapag-uwi ng bonggang premyo.
Kasama rin sa show ang sikat na composer na si Lito Camo. Inawit niya ang ilan sa kanyang patok na novelty songs tulad ng Bulaklak, Jumbo Hotdog, at Sasakyan Kita. Ka-duet niya ang seksing co-host ng show na si RR Enriquez. Sina Pokwang at Mariel Rodriguez naman ang nagdagdag ng saya sa iba pang game portions.
Sa mga nakapanood ng live sa Wowowee Sa Dubai, pwede niyong i-share ang inyong mga photos sa masayang pagtitipon. Join na sa http://wowoweeworld.multiply.com para makapag-upload ng inyong photos. At para sa updates ng iba pang Wowowee shows abroad, log in ka lang lagi sa www.ABS-CBN.com.
Original Post : Wowowee Sa Dubai, dinumog ng mg Pilipino
1 Comment
Isa kmi sa mga libo libong tao nanuod ng show na ito. Malayo pa byahe nmin sa aming pinangalingan, almost 2 hours na byahe. Kala namin special ang mag taong may dala Bigatin Cards, wala nman pala pinagkaiba sa mga ordinaryo manunuod. Pila pa lang nagkakagulo na, di malaman kung saan ang talaga pila. Maaga sila nagpapasok ng gate, 11:00 am pa lang nsa loob na kmi ng stage area. Wala upuan, siksikan, tulakan, bawal may dala pagkain at tubig ksi hinaharang nila sa gate at kinukumpiska. Marami hinihimatay dahil nga sisikan at mainit ksi open yung place. Hindi organize yung venue, wala emergency exits na malapit, wala nagiikot na security at yug nga, wala upuan.. my god, sumakit ang mga binti ko sa pagkakatayo ko ng mahigit 5 hours, nagbayad nman kmi para sa show na ito, sna man lang may upuan provided.. Grabe hirap na tiniis namin sa loob. 3pm dapat start ng show pero alam naman natin lahat “filipino time”.. nagsisigawan na mga tao dahil almost 4pm na wala pa show, namigay sila ng mga tubig, pero yungmga nsa unahan ng stage lang nakinabang,paano yung mga nasa likod??? Marami ng tao ang umuwi dahil sa pagod at tagal ng show, sbi nila di na daw sila uulit kung ganito lang mapapala nila.
Nagsimula nag show with liezel. Then, pagpasok ni willie, nagsimula na ulit mabuhayan lahat ng tao.. isa na rin kmi dun sa mga nkikisayaw kahit masikip sa mga awitin ni papi. Syempre isa sa pinakakaabangan ko eh ang paglabas ng crush kong si Valerie… ganda nya….. sulit pagod ko nung nkita ko sya..
Isa lang masasabi ko, iba talaga ang hatak ng wowowee sa mga tao.
At sana sa susunod, palitan ang venue, yung comportable mga tao.
Salamat… vahnleur@yahoo.com