Contrary to rumors about Kristine Hermosa being less than accommodating to her co-workers, Karylle was all praises for the lovely actress who made her feel welcome. The two are co-stars in two upcoming series, Maruja and Ikaw Lamang. “Ang ganda nga eh. Natutuwa ako kasi kanina I saw her, nauna lang siya [sa akin]. Sabi niya talaga sa akin, ‘Sige na magtaping ka na para magkasama na tayo. Ayoko naman ng mag-isa lang mag-taping.’ Alam mo nung sinabi niya yun, I felt so happy na napaka-warm nung pagtanggap niya sa akin. And gandang-ganda talaga ako sa kanya at alam ko’ng isa siyang napakagaling na artista. Pero the more that I see her parang nahihiya ako. Sabi ko nga sa kanya, ‘Sorry ha, nagagandahan lang talaga ako sa ’yo,’” the singer-actress said in a one-on-one interview with ABS-CBN.com.
Karylle shared that Kristine is giving off a different aura these days. “Parang for some reason ang ganda ng glow niya these days, talagang maaliwalas… I really like her, talagang napapanood ko siya before. Siyempre gano’n yun ‘di ba kapag napapanood mo yung mga tao sa TV. Kahit ako kapag nanonood medyo nagiging fan ako. Sabi ko pa nga dati, ‘One day it would be nice to work with people from ABS-CBN.’ Iniisip ko sa movies posibleng makasama ko sila. Hindi ko naman naisip na makakasama ko talaga sa isang show,” she exclaimed.
Karylle was also happy that Kristine welcomed her as a kapamilya. “Ay walang tarayan between us. Kaya nga kinukwento ko kanina na ang saya-saya ko nung sinabi niya yun. Kasi nahihiya ako sa kanya kasi bago pa lang ako dito. Ayoko naman ng masyadong feeling close so siya yung nagwewelcome sa akin at napakaganda nung pakikitungo niya, so I feel comfortable around her… Nag-tape pa kasi ako for I Love Betty La Fea so hindi ako nakasama kahapon sa first taping day [ng Maruja],” she revealed.
Becoming a Kapamilya has been smooth-sailing because everyone has been very good to her. “I feel very welcome kasi kumbaga lahat ng nakakasalubong ko, be it staff, yung mga guard, siyempre mga artista, mga directors… Talagang ang bait nila sa akin. Mararamdaman mo naman yun eh, totoong-totoo, very genuine. So I am very happy that I am here.” She also believes that being the daughter of ZsaZsa Padilla makes it easier for people to accept her. “It helps a lot na napakabait ng mom ko and mahal na mahal nila yung mommy ko. Kasi madalas si Direk Jerry Lopez-Sineneng… sinasabi [niya] sa akin, ‘Alam mo mahal na mahal ko yung mom mo. Say hi to her for me.’ Yung mga ganong salita kapag naririnig ko, nakakatulong yun sa pag-welcome nila sa akin. At natutuwa ako na nalalaman ko na napakadaming nagmamahal sa mom ko,” she shared.
As for her fellow artists, it’s good to know that Karylle has already made friends with a lot of them. “Ang nakakasama ko talaga sa ASAP dressing room [ay sina] Rachelle Ann Go at saka si Bea Alonzo. Tapos nakasama ko rin si Bea sa I Love Betty La Fea. Siyempre kapag nakikita ko si Bea sa TV, feeling ko dating superstar talaga. Pero siya pa yung kwento ng kwento nung nag-taping kami. So talagang, alam mo yun, natutuwa ako na may gano’ng bonding kahit papaano. Kasi kahit mabilis lang yung guesting ko dun, nagkaroon pa rin ako ng chance na makilala ko din siya. Ewan ko ba kung bakit, pero siguro feeling ko lang kapag nakikita ko [yung mga hinahangaan kong artista] sa TV, ang ganda-ganda naman nila. May mga gano’n ako’ng naiisip parati,” Karylle added.
Actor-host Luis Manzano has also expressed his support to Karylle’s transfer in ABS-CBN. “Nakakausap ko rin si Luis kasi nag-guest host ako sa ELive at saka very welcoming siya. Kasi minsan yung itsura ko medyo naliligaw. Sinasabi niya sa akin ‘Naliligaw ka no?’ Sabi ko, ‘Halata ba?’ Sabi niya, ‘Okay lang ‘yan’. Para siyang isang welcoming committee. Siyempre friend ko din si Angel (Locsin) from before so natutuwa lang ako na napaka-sweet niya in that sense, na alam niyang medyo lost ako. May extra reassurance na ‘Okay lang ‘yan. We’re here for you.’”
On her final note, Karylle shared how grateful she is to all the people who helped her handle the changes in her life at this point in time. “Siguro thank you lang sa lahat ng tao na pinadama nila na naging tunay ako na Kapamilya. Siyempre sa bawat transition ng buhay mo, medyo may konting kaba, may konting ganyan. Pero masasabi ko talaga dito sa paglipat ko sa ABS-CBN, everyone showed more than I would have asked or expected from them. Mas lalo yung iba, hindi ko naman sila kaano-ano pero sobra-sobra yung ipinapakita nilang kabaitan sa akin kaya sobra rin ako’ng thankful,” she stated.
Original Post : Karylle defends co-star Kristine Hermosa