Bagong taon. Kaugalian na nating mga Pinoy na magkaroon din ng pagbabago sa ating mga sarili. Itapon na ang mga pangit na ugali at ang magaganda, baka pwede pang mas ma-improve.
Marami sa ating mga artista ang nangangailangan ng pagbabago para masabing talagang magaganda ang loob at labas.
Jennylyn Mercado —Yung pagkakait mo kay Patrick Garcia na makita ang kanyang anak, sana magbago na. Ayaw mo bang may makilalang ama ang iyong anak? Kalimutan mo na ang galit mo sa kanya, alang-alang man lamang sa baby n’yo. Gusto mo bang sisihin ka ng anak mo paglaki nito?
Patrick Garcia — Magtrabaho ka na. Huwag mong sayangin ang talino mo na bigay ng Maykapal. Ipagdasal mo na lamang na sana lumambot ang puso ni Jennylyn at i-share sa iyo ang anak n’yong dalawa.
Iza Calzado — Iwasan muna ang umibig. Mag-concentrate ka muna sa career mo. Makakasagabal sa trabaho mo ang pag-ibig.
DJ Mo Twister — Huwag masyadong makialam sa affair ng iba, lalo’t personal. Nakakasakit ka na ng damdamin. Baka isa sa mga araw na ito ay ikaw naman ang mapa-trouble. Sige ka, alalahanin mo, meron ka ring nakaraan.
Sharon Cuneta — Baguhin mo na ang eating habit mo, bawasan ang sobrang pagkain. Ang mga fans mo are dying to see you and KC Concepcion in a movie, hindi mo ba sila mapagbibigyan?
Governor Vilma Santos – Bawas-bawasan mo naman ang sobrang kabisihan mo. At sana naman matupad ang pangarap kong makita mo ang Walk of Fame Philippines. Makadalo ka naman sana sa mga activities nito.
Rufa Mae Quinto — Bawas-bawasan mo kaya ang sobrang kaseksihan mo, para hindi bawat couple na mag-away at maghiwalay ay sa iyo ibinibintang. O kaya naman, maghanap ka ng papa na lagi mong kasama. Single ka kasi kaya akala ng marami, atat na atat kang magka-papa.
Dingdong & Marian — About time na sabihin n’yo ang real score sa inyong dalawa para maiwasan na manghula ang publiko na ang kadalasang resulta ay negatibo para sa inyong dalawa. And be consistent kung kayo, pero kung hindi kayo pangatawanan n’yo itong hindi lamang sa pamamagitan ng mga salita kundi gayundin sa inyong mga kilos.
Regine & Ogie – Dapat i-finalize n’yo na ang inyong relasyon o sitwasyon. Nakakatakot yung maraming hula sa inyo na nagsasabing magwawakas ang inyong relasyon. Baka rin sa katagalan na nakikita kayo ay masawa na ang inyong mga followers at mawala na ang magic which will spell disaster sa inyong career. Wala na namang dahilan para hindi n’yo gawing legal ang inyong relasyon, may basbas na kayo ng lahat.