Totoo ba tong narinig ko na rumor na magtatapos na daw ang Longest Noontime Show na Eat Bulaga pag hindi kagatin ang show nila sa Atlantic City ngayon April 4 2009?!
Aba, kung totoo man ang narinig ko, dapat lang na magtapos na sila eh 30 years na sila sa TV eh, kailangan na din magpahinga ni Joey De Leon at Vic Sotto, im sure my sweldo pa naman sila matatanggap pag nag resign na sila dahil Institution na sila sa GMA Network.
Dami na nga lumalabas na issue eh na bawat taon nagtatanggal sila ng host dahil hindi na ito kaya ng TAPE Production kasi kokonti nalang ang sponsors pumapasok sa show nila. Hindi naman sinabi ng source namin na wala na talaga silang sponsors, meron pa naman pumapasok pero yung mga big time na sponsors nila ay nagsialisan na dahil hindi daw kayang mag promote ang show ng tamang promotion (hindi nabibili ng manonood ang produkto).
Hindi naman kayang alisin si Joey at Vic sa show kasi silang dalawa ang nagbigay saya sa show at sa mga manonood nila. Napapansin rin namin na yung ibang host sa show ay bihira nalang makikita sa show dahil ito ang epekto sa konting sponsors na pumapasok sa show nila. Yung ibang hosts daw ay makikita nalang tuwing sabado kasi ang sabado ay parang araw na mag reunion silang lahat. Pero pagbalik sa Lunes hanggat Byernes, kokonti nanaman sila.
Epekto din ito sa pagpatuloy na pagsikat ng Wowowee ni Willie Revillame sa Dos. Simula pumasok ang Wowowee sa ere, nahihirapan na umangat ang Eat Bulaga dahil mas pinapanood ng tao ang Wowowee kaysa Eat Bulaga kasi bago daw ang mga palaro ng Wowowee at pa iba-iba pa daw ito. Marami ding pumapasok na sponsors sa Wowowee, yung iba ay galing pa sa Eat Bulaga.
Napagalaman namin na mas maganda daw mag advertise ang Wowowee dahil mapabilib o mapabili ito ng mga manonood. Kaya ang mga sponsors ngayon ay gustong-gusto pumasok sa Wowowee dahil maganda din mag advertise si Willie, halos araw-araw i-advertise nya ito, kaso konting mahal lang daw yung pag sponsor pero sulit naman daw ito sa kalabasan.
Paano na kaya kung matatanggal ang Eat Bulaga? Ano ang ipapalita nila dito? Kung sakali papalitan ito, sina Joey at Vic pa rin ba ang hosts dito or hahanap sila ng iba yung kagatin ng Masa?
Magsimula na pala ang world tour ng Eat Bulaga ngayon Abril 4 2009 sa Atlantic City New jersey, kung saan naka punta na dun ang Wowowee at super successful ang show doon. Susuportahan ba ng mga kababayan natin ang Eat Bulaga kagaya sa pagsupporta nila s Wowowee?
Abangan nalang natin ang kalabasan ng show nila ngayon Abril.
3 Comments
ang tagal ko nang nakakabasa ng mga ganitong article pero hanggan ngayon di pa rin nagkakatotoo!
ganun! eat bulaga magtatapos na? huh! nakakalungkot naman kung magkatotoo yang balitang yan! diba dapat ang magtapos ay ang wowowie dahil sa malaking issue kinasasakutan nito at alam naman natin na marami ang nagbuwis ng buhay at dayaan sa show na ito ni willie at parang walang taste naman ang mga nanonood ng wowowie ika nga ng mga naririnig ko,bukod sa maingay na, sumisigaw pa ang mga host nito at di paraw maintindihan ang mga sinasabi ng mga ito,how sad naman!
wheeehh..nku inggit lng cla madme nanonood ng eat bulaga..mas msaya nga s eat bulaga eih..