Pormal na pumirma ang Comedy King na si Dolphy para sa kasunduan ng pakikipagtulungan ng STIbilang official educational partner nila para sa kanyang Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation na magbibigay ng scholarship sa mga karapat-dapat na mga anak ng mga Overseas Filipinos Workers (OFW) sa Milky Way restaurant sa Makatinu’ng Martes, January 20.
Present during the contract sigining ang kanyang anak na si Eric Quizon na president ng foundation, STI President and CEO Monico Jacob and STI VP for Communications Elbert L. de Guzman. Pagkatapos ng pirmahan ay nakausap ng ABS-CBN.com ang Comedy King. “Well, masaya ako dahil basta nakakatulong ka sa tao e, ‘di okey. The best,” panimula ni Dolphy.
Ang anak ni Dolphy na si Eric Quizon ang bumuo ng foundation ng kanyang ama at nakipag-usap sa STI para mabuo ang proyekto. Nu’ng nilatag daw ni Eric ang proyekto kay Dolphy agad niyang sinang-ayunan ang anak. “Wala ako’ng tanggi agad. Siyempre basta makakagawa tayo ng tulong, sige. Siyempe medyo hihingi ka rin ng tulong sa iba para makatulong ka sa iba. Okay lang ’yun siyempre, pero napakaganda. Napakagandang proyekto.”
Kasabay ng contract signingni Dolphy at kinatawan ng STI ang kaarawan mismo nu’ng araw na ‘yun ni Eric. Isinabay na rin sa birthday celebration ni Eric ang kaarawan ng isa pa’ng anak na aktor ni Dolphy na si Jeffrey Quizon. Present din sa birthday party ni Eric cum contract signing ang isa sa member ng foundation at bunsong anak na lalaki ng Comedy King na si Vandolph. Kasama niya ang kanyang misis na si Jenny, na five months preggy. Ano ang masasabi ni Dolphy na si Eric ang punung-abala sa lahat tungkol s aproyektong ito at siyang nagpapatuloy ng legacy ng Comedy King? “Well, kasi siya ‘yung may mga koneksyon din. So, ‘tsaka talagang pinaghirapan niya ito.Pinag-aralan niyang mabuti.At ano, sakripisyo rin talaga on his part. Talagang ‘yung mga proyektong ganito sakripisyo.” Dolphy wishes his son Eric the best in life ngayong birthday niya. “Well, wish ko talagang, well, good health always. ‘Tsaka ituloy niya ‘yung mga pina-plano niya. Magaganda ang mga plano niya. Ituloy pa niya.”
Nagpatuloy pa si Dolphy sa pagbibigay puri kay Eric dahil sa mga proyektong naiisip nito. “Well,talagang ika nga pambihira siya sa mga anak ko dahilpara maisip mo ‘to, eh, ‘di isang malaking pasasalamat na nagkaroon ako ng anakna kamukha niya.Ayun, ‘yung iba okay naman pero siyempre mas meron siyang vision, mas may, masasabi natin na mas mautak siya, mas maganda ang kanyang pananaw sa buhay.” Pero may partisipasyon din naman daw ang ibang anak ni Dolphy sa foundation niya. “Well, family effort ito. Actually, kaya magkakasama kami nu’ng biyahe eh. Masaya naman,” dagdag ni Dolphy referring to their recent trip sa Hong Kong. “Kapupunta lang namin doon. Babalik kami pero sa April pa ‘yun. Magla-launch kami doon nu’ng libro. Well, surprisingly lumakas nga ako. Habang tumatagal lumalakas ako. Parang Nagkaroon ako ng adrenalin sa katawan na hindi ko maintindihan.”
Sa kabilang banda, matagumpay din ang US tour ni Dolphy at ng kanyang partner si Zsa Zsa Padilla. Kasama ba niya lahat ng kanyang anak sa US tour? “Hindi naman lahat dahil marami ‘yun, eh. (laughs) ‘Yung kwan, siguro ang kasama ko lima sa anak ko, pati si Zia (bunsong anak niya kay Zsa Zsa Padilla)kasama na rin namin. E, nandudun din siya (Zia) kasi. At ano,kasi maiiwan siya, e. Siya lang mag-isa. Sabi ko kay kwan, umiiyak. ‘Yung isang kapatid niya nasa Australia kasi (si Nicole). Sabi ko, ‘Iwanan nating mag-isa ‘yan? Dalawang buwan?Sama na natin.’ Nakakatakot din ikakobaka kung ano ang mangyari d’yan dito. Sinama na namin.”
Very talented din daw ang anak nilang si Zia. “Eh, nu’ng nag-eensayo kami, naggi-gitara siya sa labas nu’ng kapatid niya, si Ronnie. Kumakanta sila ng mga Beatles song na kwan. Nakita ko magaling mag-gitara, nag-number sila. Ayun nasama siya sa show.” Mukhang swak naman daw kung magbalak si Zia na tahakin rin ang mundo ng showbiz. “Ay, palagay ko dahil, well, may tenga, naggi-gitara, nagpi-piano, kumakanta. ‘Tsaka medyo matalino.” No problem din daw sa kanya kung eventually nga’y mag-artista ito. “Okay lang, basta hindi kakasagabaleskwela niya pati.” May balak pa ba si Dolphy na magkaroon pa ng anak after Zia? “Wala na. Hindi na natin kaya.” Inamin ni Dolphy na hindi na ganu’n ka-active ang kanyang sex life. “Madalang na. Hindi na gaya nu’ng ng dati. Sympere kwan iba na rin ngayon. E, kung dati ika nila, manyakis tayo, hindi na ngayon,” natatawang pagtatapos ni Dolphy.
Original Post : Dolphy thankful for people’s support to Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation