Dingdong Dantes is really going global.
No doubt about this since he was first featured in E!
Television and ranked third among the sexiest men of the world last year. This time, another international channel will feature the Kapuso actor on the pilot episode of AXN’s newest show The Duke.
The Duke is a glossy men’s magazine talk show that will feature successful men in their respective fields.
Last December 2008 nang pumunta sa bansa ang grupo ng AXN Asia na based sa Singapore. Kasama sa pumunta rito sa Pilipinas ang mga cameramen, director, executive producer, staff, at host ng The Duke na si Eunice Olsen.
Sa mismong bahay ni Dingdong sa Cubao, Quezon City—na unang na-feature sa December 2008 issue ng YES! magazine—ginanap ang interview ng The Duke sa Filipino actor. Yun nga lang, naging mahigpit angbilin ng mga taga-AXN na hindi pa puwedeng maglabas ng anumang information about the show and the international channel habang wala pa silang go signal, lalo pa nga’t pilot episode ang feature nila kay Dingdong.
It was only today, January 29, that AXN Asia production manager Ci En Xu and The Duke director Joey Chan gave the signal to Dingdong’s manager, Perry Lansigan, to release the details about the show’s airing and content.
Ayon sa letter na ipinadala nila kay Perry, The Duke will air its pilot episode on February 9, 8 p.m., Singapore time. Kasabay rin itong mapapanood sa AXN Philippines on the same date and time.
Bukod kay Dingdong, ang iba pang napili ng AXN mula sa Pilipinas na featured sa The Duke ay si Vice President Noli de Castro at ang British founder ng Gawad Kalinga na si Dylan Wilk. Bukod sa kanila ay may iba pang mga sikat na personalities sa Asia ang makakasama nina Dingdong sa show.
Sa bawat episode ng The Duke, ipakikita nila ang mga importanteng tao who are successful in their careers, who earned respect of their peers, and are role models. Someone whom they can call a “Duke.”
Malaki ang pasasalamat ni Dingdong sa ganitong recognition na dumarating sa kanya, lalo na’t galing pa sa ibang bansa. Naniniwala si Dingdong na sa lahat ng ito ay naipagmamalaki rin niya ang bansang Pilipinas sa buong mundo.