Umalis na patungong Dubai sina Mark Herrras at Jennylyn Mercado nu’ng Huwebes nang umaga para sa GMA Pinoy TV event doon.
Nakunan ng Startalk na magkasabay silang dumating ng airport. Sinundo ni Mark si Jennylyn para magkasama na silang mag-check-in sa airport.
Kapansin-pansin na lumalaki na ang katawan ni Mark dahil naghahanda na ito sa gagawin nilang sinenobela ni Jennylyn Mercado na Paano Ba Ang Mangarap? Medyo mature na ang role na gagampanan ng young actor.
Hanggang ngayon ay hindi pa naku-convince si Mark na magsuot ng trunks dahil wala raw siyang balak na magpa-sexy.
Si Jennylyn naman ay napapagod na sa kasasagot tungkol sa kanila ni Patrick Garcia dahil talagang sarado na raw at tapos na ang sa kanilang dalawa.
Matitindi ang mga binitiwan niyang pahayag para kay Patrick, “Huwag mo na kaming guluhin. Tama na ‘yan, masaya na ako ngayon, ‘di ba? Hindi ko na siya kailangan.
“Wala na siyang koneksyon at all, at ayo*ko nang magkaroon ng koneksyon, walang pagbabago.
“Kung ano ‘yung sinabi ko, ‘yun na ‘yun. Tumutupad naman ako sa usapan, eh,” pahayag ni Jennylyn.