Ang Eva Fonda ang isa sa mga pinakahihintay na proyekto ni Jason Abalos. Ipapalabas na ito sa Lunes, December 1, sa Primetime Bida block ng ABS-CBN, at hindi maitago ng batang aktor ang saya sa kanyang mga mata. Malaki ang pasasalamat niya sa Abscbn management sa pagbigay sa kanya ng proyektong ito, lead actor opposite Cristine Reyes. Matagal na nilang naishoot ang soap na ito at ika nga nila, the long wait is finally over.
Nang ipakita sa amin ang trailer ng teleserye, dalawang bagay ang tumatak sa amin. Una, ang napakahusay na pag-ganap ni Cristine Reyes sa mga eksena at ang pangalawa ay ang napakainit na kissing scene nila Cristine at Jason. Tinanong ng abs-cbn.com ang batang aktor at sinabi nitong matinding paghahanda ang ginawa nila para doon at pinagkatiwala nila ng husto ang mga eksena sa kanilang mga direktor. “Unang-una kasi, si Direk John Red, kilala siya na gumagawa ng mga sexy indie films. Ako naman kasi, pinagkatiwala ko na lang e. Nagawa na niya yan (bilang direktor), so hindi na yan bago sa kanya. Pinagkatiwala ko na lang.” paliwanag ni Jason. Hindi ba siya nailang sa tindi ng kissing scene nila? “Pinaghandaan ko na e. Lahat ng possibilities dito, inisip ko na. Para pag dumating sa point na yun, hindi ka na manibago or hindi ka na mailang. ” aniya.
Piniga na namin ng husto si Jason nang tanungin namin siya kung ‘good kisser’ ba si Cristine. Natawa na lang si Jason at sinabing, “Maganda yung eksena. Maganda yung kinalabasan. Natural daw.” Pero nagulat kami nang sinabi niya’ng, “Nakakadala!” Sinundot na namin ng follow up question si Jason at tinanong kung nadala nga ba siya sa kanilang maiinit na eksena? “Oo naman. Bawat eksena naman dapat maramdaman mo e.” ang naging sagot ng aktor. Pinakumpara namin kay Jason ang mga kissing scene niya kay Cristine Reyes sa Eva Fonda at kay Jacq Yu na siya naman niyang kapartner sa Pieta. Nailang ang aktor at umiwas na sagutin ang tanong bilang respeto na rin daw niya sa kanyang mga lead stars. Pero nang tanungin namin siya kung bibigyan niya ng “taste” o “lasa” ang kiss ni Cristine Reyes, ang tanging naisagot niya ay, “Isa siyang bubble gum na masarap nguyain!”
Bali-balitang matindi na raw ang pagnanais ng binatang aktor na pormahan at ligawan si Cristine lalo pa’t kung mabibigyan sila ng mas marami at matagal na oras na makapagsama. At ngayon nga’ng eto na ang kanilang teleserye, sinabi ni Jason na, “Alam naman niyang gusto ko siya. Sana makasama ko pa siya ng matagal.” pagtatapos nito.
1 Comment
Ang ganda mo Eva Fonda!
Bagay na bagay kay Christine Reyes ang role… Para talaga siyang Dyosa!