Ang Diyos pa rin na makapangyarihan sa lahat, ang may lalang ng langit at lupa ng tunay na pagtitiwalaan — Jojo Acuin
NALAGAS na naman ang tangkay ng panahon. Tapos na, ang taong 2008—tapos na ang taon ng Daga.
Tayo ay pumapasok sa panibagong pakikibaka ng buhay. Bagamat mayroong hindi gaanong kaaya-aya sa aking mga nadama noong nagdaang taon ng Daga, ito naman nakapagdulot ng babala, patnubay at inspirasyon.
Ang nakalipas ay gawin nating pamantayan sa ating panibagong kakaharapin.
Ang predictions na aking babanggitin para sa Taong 2009 — YEAR OF THE OX — ay ayon lamang sa aking nakikita at nadarama.
Gayundin, nais kong ipabatid sa lahat, na ito ay prediksiyon lamang at ipag-dasal natin na magkaroon ng katuparan ang magaganda at ang hindi kaaya-aya ay kontrahin ng higit na panalangin.
Narito ang aking PREDICTIONS para sa daigdig ng RADYO, TELEBIS-YON, PELIKULA at higit sa lahat, sa inyong mga paboritong ARTISTA.
ANGEL LOCSIN
Pansamantalang napingasan ang kanyang kasikatan nang lumipat siya sa ABS-CBN, pero tandaan na ang lahat ng ‘yan ay panandalian lamang. Maka-kabangon siya at magtutuluy-tuloy ang kanyang pananagumpay. Recovery is the name of the game for Angel Locsin.
KC CONCEPCION
Malaking tulong ang pag-kakaroon niya ng parehong sikat na magulang pero pinatunayan niya na kaya niyang lumikha ng sarili niyang pangalan at kinang. Magtatagumpay siya alinman sa Kapuso o Kapamilya ang kanyang piliing pagtrabahuhan.
CLAUDINE BARRETTO
Higit na mahuhubog sa pagiging isang mahusay at sensitibong aktres ng kanyang panahon. Wala akong nakikitang paghihiwalay sa kanila ni RAYMART SANTIAGO. Kapag hindi nagpigil ay puwedeng humantong sa apat ang kanilang mga anak.
JUDY ANN SANTOS
Wala akong nadaramang gagawing paglipat ng studio ni Judy Ann. Natural ang nagaganap na hindi pagka-kaunawaan between her manager ang her mother studio. Ang showbiz ay showbiz at hindi maglalaon at babalik din ang dating samahan ng kinauukulan. Hindi puwedeng hindi matuloy nag kasal nina Judy Ann at RYAN AGONCILLO. At wala akong nakikitang hiwalayan sa kanilang pagsasama. Wala sa kanilang plano ang pagkakaroon ng maraming anak. Ang nakikita ko’y hanggang tatlo lamang. Wala akong nakikitang kritikal na taon sa kanilang pagsasama ni Ryan bilang mag-asawa.
GRETCHEN BARRETTO
Magpapatuloy ang pagiging shaky ng kanilang relasyon ni TONY BOY COJUANGCO hanggang ipinagpapatuloy niya ang kanyang showbiz career. Hindi kalianman magkakapalagayang-loob sina Gret-chen at ang ina ni Tony Boy na si IMELDA COJUANGCO at hinding-hindi nito matatanggap na daughter-in-law ang aktres. Tanging ang apo nitong si DOMINIQUE ang matatanggap ni Ms. Cojuangco. Wala nang materyal na bagay pang aasamin si Gretchen kay Tony Boy dahil halos naibigay na nito ang lahat nang kanyang ginusto.
VILMA SANTOS
Tiyak na maluluklok na pangalawang pangulo ng bansa kapag nagdesisyon siyang tumakbo para sa na-sabing posisyon at walang binatbat si Sen. BONG REVILLA kung ilalaban sa kanya.
HERBERT BAUTISTA
Siya ang maluluklok bilang susunod na mayor ng Quezon City. Si ARIEL INTON ang nakikita kong susunod na mayor pagkatapos ni Herbert.
METROPOLITAN THEATER
Magiging matagumpay ang pagtatangka ni Mayor ALFREDO LIM na muli itong buhayin. Magiging tunay itong pang-masa.
PAGLULUKSA
Isang veteran actor at actress ang magpapaalam na sa atin.
May isang young star na ang pamamaalam ay katulad nang nangyari kay RICO YAN.
May isang grupo ng kabataang artista ang ma-sasangkot sa isang car accident.
Ang isa’y mababaldado at ang isa pa’y tuluyang mamamaalam.
DROGA
Maraming artista ang masasangkot sa eskandalo na dulot ng bisyong ito at ang iba’y naglalakihan pang pangalan.
TELEBISYON
Matatagalan pa bago tuluyang makabangon ang pelikulang Pilipino at ito ang sinasamantala ng lara-ngan ng telebisyon na si-yang naghahari at lumilikha ng mga artsita sa kasalukuyan. Isa sa ikinalulupaypay ng industriya ng pelikulang local ay ang video piracy na nananatiling problema hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig. Hindi pangmatagalan ang nagiging pagsikat ng mga artista mula sa sinasabing reality show sa TV. Para silang mga tissue paper ng pagkatapos gamitin ay kailangang itapon na sa waste basket.
BOX OFFICE STARS
Mayroon pa ring malala-king artista na magpapasok ng milyones sa box office.
Sa kalipunan ng mga bagong malalaking pangalan, wala akong nakikitang may awtentikong hawak sa box office tulad nina Vilma Santos at Sharon Cuneta.
MARIAN RIVERA
Hindi magtatagal ang ningning ng kanyang pangalan dahil sa loob lamang ng susunod na dalawang taon ay may pangalang hahalili sa kanya. Hindi talaga taon ni Marian ang 2009. Hindi siya makagagawa ng isang malaking pelikula at hanggang TV lamang talaga ang kanyang kasikatan. Walang kabalak-balak ang Kapamilya network na sulutin si Marianne.
Mabait si Marian at hindi totoo na may itinatago siyang masamang ugali. Marami siyang suitor pero binabalaan ko siya na mag-ingat sa isang may asawa. At mag-ingat din sa isang banyaga na may kaya sa buhay.
DINGDONG DANTES
Mananatili siyang sikat sa Kapuso network at hanggang may telebisyon.
Gagawa siya ng isang pelikula na magiging so-so lamang sa takilya.
Hanggang 2009 lamang ang kanyang kainitan. Wala akong nararamdamang kasal between Dingdong at KARYLLE.
DOLPHY
Mananatiling aktibo pa rin sa pelikula.
Si ZSA ZSA PADILLA na ang siyang magiging huling babae sa kanyang buhay na magkakaroon ng problema dahil matatagalan pa bago tuluyang ma-annul ang kanyang kasal kay MODESTO TATLONGHA-RI. Marami pa rin ang babaing magtatangkang umakit kay Dolphy dahil aminin natin ang katotohanan na si Dolphy ay Dolphy pa rin.
VIC SOTTO
Magtatagal ang relasyon nila ni PIA GUANIO na puwedeng mauwi sa kasalan.
FRANCIS M.
Ang leukemia ay isang uri ng sakit na gumagaling at optimistiko ako sa lagay niya.
WILLIE REVILLAME
Habang nagkaka-edad ang isang tao ay natural lang ang pagdating ng iba’t ibang uri ng karamdaman. Dapat isipin ni Willie na ang bawat tagumpay — sa kaso niya, bilang highest paid talent ng ABS-CBN — ay laging may katapat na kabiguan. At ang paniningil sa kanya ay dahil sa sobrang kasipagan. Ang lahat ay dapat na mailagay sa tamang kaayusan.
EAT BULAGA AT WOWOWEE
Hangga’t hindi nalalansag ang TITO, VIC & JOEY ay mananatili ang lakad ng Eat Bulaga lalo na sa mga lalawigan. Pero panalo at panalo ang Wowowee.
KRIS AQUINO AT JAMES YAP
Nagiging maganda ang relasyon ng dalawa dahil ang mister ay natuto nang sumunod sa kanyang misis nang walang kondisyon. May mga babaing magtatangkang magpapansin kay James pero hindi niya papansinin ang mga ito hangga’t si Kris Aquino ay Kris Aquino. Magkakaroon sila ng anak na babae.
BOY ABUNDA
Nananatiling maningning ang magic star niya at mananatili ang kanyang pagiging TV Talk Show King at Starbuilder. May magtatangkang maagaw ang kanyang pagiging TV Talk Show King pero hindi magtatagumpay. Samantala, ang ka-partner niyang si Kris Aquino ay mananatiling Queen of Game Shows sa loob ng matagal na panahon tulad niya.
AMAY BISAYA
May pag-asa kung muling magtatangka sa isang pang-lokal position.
KOMIKS
Walang tao ang makapagsasalba sa MOVIE INDUSTRY habang laganap at di masugpo ang film piracy.
Ang KOMIKS ay napaglipasan na ng panahon at hindi na maibabalik pa ng mag-asawang CARLO CAPARAS at DONNA VILLA ang sinaunang libangan. Ang COMPUTER ang siyang maghahari sa kasalukuyan.
KATRINA HALILI
Ang mga pangunahing SEX SYMBOL ng 2009 pero hanggang isang taon na lang ang ilalagi nito at malalaos din.
Magtatagal ang relasyong ANGEL LOCSIN at LUIS MANZANO, pero hindi hahantong sa dambana.
INDIE MOVIE
Magiging matagumpay ang INDIE MOVIE maging sa ibang bansa.
PLONING
Pag-uusapan at magiging bukambibig ang PLONING ni JUDY ANN SANTOS pero hanggang doon lang ‘yun. Wala pang makapapantay at papalit kay LINO BROCKA.
JERICHO ROSALES
Hindi naman siya mawawala. Mas mainam na magkani-kanyang landas na lang sila ni HEART EVANGELISTA.
KAPUSO, KAPAMILYA
Dapat palitan ng KAPAMILYA ang mga taong nasa paligid para tuluyang matalo ang KAPUSO in terms of ratings sa primetime.
Talagang hindi magtatagumpay ang mga CREATIVE artist kung ire-revive na lang nila sa tuwina ang mga luma at classic na pelikula.
Pagsasawaan din ang ganitong uri ng palabas sa TELEBISYON.
KC AT RICHARD
Tagumpay na tambalan ang RICHARD GUTIERREZ at KC CONCEPCION. Hindi magtutuloy-tuloy ang kanilang pag-iibigan. Kumbaga, for the sake of fun lang.
Hindi mawawala ang COMEDY films, ang HORROR at FANTASY.
BOX-OFFICE KING & QUEEN sina RICHARD GUTIERREZ at KC CONCEPCION.
Ang Year of the OX para sa mga taga-SHOWBIZ ay masagana at buhay na buhay.
Ang MUSIC INDUSTRY ay patuloy na magiging masigla.
Number one pa rin ang BAMBOO.
Malala ang problema sa PIRACY at walang magagawa ditto ang puwersa ni EDU MANZANO. Dahil pandaigdigan ang problema sa PIRACY.
Gagawin ni DANIEL RAZON ang lahat para sa UNTV.
Sina MEL TIANGCO at MIKE ENRIQUEZ ay haligi na ng pagbabalita, wala pang makakapantay sa kanila.
TED FAILON, KAREN DAVILA at JULIUS BABAO, lahat sila ay masa-sabing CREDIBLE sa larangan ng NEWS & CURRENT AFFAIRS. Icon na silang matatawag.
KORINA AT MAR ROXAS
Wala akong nakikitang mangyayaring kasalan kina KORINA SANCHEZ at Sen. MAR ROXAS.
Magiging pangunahing panoorin pa rin ang REALITY SHOWS sa TV at kababaliwan.
Hindi magiging MISERABLE ang buhay ni NORA AUNOR sa U.S. Maraming plano na kanya namang pagtatagumpayan.
Patuloy ang mahigpit na labanan sa pagitan ng ABS-CBN at GMA Networks.
Sila pa rin ang nangungunang istasyon sa bansa.
Ang pagbabagong bihis ng ABC 5 na ngayo’y TV 5 ay isang magandang hakbang. Ipagpatuloy ang mga naiiba nilang palabas.
Tiyak na ito ay tatangkilikin ng mga manonood at maaaring maging mahigpit na katapat ng dalawang naglalakihang networks, tandaan ninyo ang aking sinabi. Pakatandaan na ang dapat panatilihin sa ating dibdib at kaisipan ay ang pag-ibig na mula sa puso.
Inuulit ko, ang DIYOS pa rin ang siyang dapat pagkatiwalaan at ang inyong sarili.