Kahit hindi gumawa ng pelikula si Robin Padilla ay hindi ito malaking kawalan sa kanya kung tuluy-tuloy lamang ang kanyang teleserye sa GMA 7. Base sa balitang nakarating sa amin, si Robin umano ang highest paid among the male Kapuso stars kasunod sina Richard Gomez at Richard Gutierrez.
Nagtapos na sa ere ang Joaquin Bordado na likha ni Carlo J. Caparas at nakatakda namang simulan ni Robin ang bago niyang TV series, ang Totoy Bato na katha pa rin ng ‘Komiks King’ na si direk Carlo. Bukod kay Robin, nakatakda ring magkaroon ng sarili niyang serye ang anak niyang si Kylie na siyang magiging lead ng Panday Kids na isa rin sa mga obra ni direk Carlo.
Samantala, nakapakasuwerte rin ni direk Carlo na kahit ilang dekada na ang kanyang mga likha sa komiks ay patuloy pa rin itong nagbibigay sa kanya pagkakakitaan.
Hindi na mabiling ang likha ni direk na naisapelikula na isa-isa ring ginagawa ngayong teleserye hindi man sa GMA ay sa ABS-CBN?
Kasalukuyang tumatakbo sa Dos ang Pieta kung saan si Ryan Agoncillo ang pangunahing bida.
Likha rin ng direktor ang Gagambino ni Dennis Trillo sa Kapuso Network.
Pilipino Star