Nilooban ng mga hindi nakikilalang suspek ang bahay ng TV host na si Willie Revillame sa Cameron Road, Corinthian Hills Brgy. Ugong Norte, Quezon City.
Sa inisyal na imbestigasyon nangyari ang insidente noong Sabado ng gabi habang nasa Subic siya, at kaninang madaling araw lang niya ito natuklasan.
Ayon kay Revillame, laking gulat na lamang niya nang pag-pasok sa kanyang bahay ay nagkalat ang mga gamit.
Tinatayang nasa 2 hanggang 3 Milyong Pisong halaga ng mamahaling koleksyong relo ang natangay sa nasabing TV host.
Inaalam pa ng mga otoridad kung may nangyaring iniside job dahil nawawala ang isa sa mga katulong ni Revillame na nagngangalang ‘Marissa’.