Panunumbat ang kumakalat na totoong dahilan ng pagkakasampal diumano kay Cristine Reyes ng kanyang ina na si Mommy Frances na siyang nagbunsod kaya siya naospital kamakailan. Agad namang binigyang linaw mismo ni Cristine ang lumabas na isyu. “Hindi ‘yun totoo kasi ang pangit naman pagusapan, money issue? But my mom and I are okay. We’re fine. I mean, recently, sa last presscon din sinabi ko kabi-birthday lang niya. I don’t know saan nanggaling ‘yung isyu,” bungad ni Cristine.
For Cristine natural lang naman sa mag-ina na di magkasundo paminsan minsan. “Well, simple away. Pero hindi ’yung sinasabi nila na super away…well, I don’t know where they get that. Pero I don’t want to say anything about it. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ’yung isyu pero ang pangit pakinggan. So, much better na I don’t want to talk about it na lang po.
Ayon sa aktres nasanay na rin siya sa kalakaran sa showbiz, na kahit anong isyu pwedeng ibato sa iyo. “At ako kasi, nandito ako sa showbiz kaya kailangan ko na lang tanggapin. Ang reality ng showbiz kailangan may ibabato nang ibabato sa ‘yo na isyu minsan hindi totoo, minsan exaggerated. Tinatanggap ko na lang. Basta ako, at least happy ako. Ang dami-dami ko’ng work dito sa ABS-CBN. And alam mo ‘yun, kumikita? At least tuluy-tuloy pa rin ‘yung trabaho. ‘Yun na lang ang iniisip ko and at the same time ang daming tao na nagmamahal sa akin at talagang naniniwala sa akin.”
Marami ang napapaisip tuloy dahil sa isyu na ito kung gaano nga ba kalaki ang kinikita ni Cristine para manumbat ang kanyang ina. “Kaya nga, e. Hindi pa naman malaki ang kinikita ko, so, parang ano basta sini-save ko naman. Tumutulong naman ako hindi lang sa Mommy ko. Marami ako’ng tinutulungan kahit ‘yung mga kamag-anak namin, kapatid ko. At least, kami-kami na lang ang nakakaalam noon, so, hindi na kami naapektuhan po.” Nagshi-share naman daw siya ng gastusin sa bahay. Pero hindi niya sinusumbat. “Hindi, kailangan ‘yun, e. Obligasyon ‘yun since ako ‘yung may work. Marami na po ako’ng nabili. Too much too mention na ‘yun. Pareho kami ni Ate (Ara Mina) na sumusuporta sa family.”
Pag dumarating ang problema, sino ang nagbibigay comfort sa kanya? “Friends, best friend ko since grade school nandyan siya palagi.” Si DennisTrillo ba kinu-comfort din siya? Natawa na lang ang dalaga. “Siyempre noon. Pero ngayon hindi na. Wala na kami.” Marami ang nagtaka kung kelan hiwalay na ang dalawa tsaka lamang sila umamin na naging magkasintahan sila. “Siya naman ’yung nagsalita, e. Ako hindi di ba? Actually, nag-guest pa ako sa The Buzz and hindi namin pinag-usapan ni Tito Boy (Abunda) ‘yun.” Gusto actually ni Cristine na maging private sana ang relasyon nilang dalawa. “Kasi unang-una ayoko nu’ng bulgar. Parang mas gusto namin ng private. Pero since we’re artists hindi talaga pwedeng mangyari ‘yun. Pero as much as possible na huwag ng pagusapan ginagawa namin para hindi na pagusapan ‘yung sa amin. Para hindi na kami masyadong ma-invade.”
One year at four months din ang naging relasyon ni Cristine at Dennis, pero sa tingin niya malabo nang magkabalikan sila. “Siguro wala. I mean, hindi ko sinasabing tapos na ‘yan. Wala na. Pero hindi natin masasabi. Pero nag-decide kami na ganito, e, tapusin na. So, siguro tapos na.” Mutual desisyon daw nilang dalawa na maghiwalay muna. “Parehong desisyon. Kaya lang akala ng iba siya ang nakipag-break. Kasi nga siya ‘yung nagsalita, e. Pero ano it’s our own decision, actually.” Shinare na rin ni Cristine kung bakit nga ba sila nag-break ni Dennis. “Unang-una kasi career. Dahil ako tatlo-tatlong shows ang ginagawa ko. And siya, I think may mga bagong shows din siya na gagawin doon (sa kabilang istasyon). So, pangit naman kung hindi balance, e.
”
Nu’ng time na sinasabi nila na break na sila, may mga nakakakita pa rin na nagpupunta siya sa GMA. Inexplain naman ito ng mabuti ni Cristine. “Kasi before naman hindi naman namin dine-deny, e. Nagsasama kami. Lumalabas-labas pa nga kami before pero hindi namin dine-deny ‘yun before. Yung nakita ako sa GMA, break na kami. Actually, before the break-up tsaka ako nagpunta doon. ‘Yun pa rin ‘yung taping ng Kahit Isag Saglit. Kasama ko pa nga doon ‘yung mga reporters na nag-visit sa Kahit Isang Saglit. Right after ng taping ko pumunta ako sa GMA7 kasi may friend ako doon si Che. Siya ‘yung pinupuntahan ko doon and then, after the break-up nandu’n ang kotse ko. Kilala sa GMA ang kotse ko,e. Kasi ‘yung plaka ko tandang-tanda kasi personalized siya. So, ‘yung mga guard alam nila ‘yung plaka ko. So, nakakapasok ‘yun basta-basta doon. Pero ang ginagawa ng koste ko doon kinukuha ‘yung damit ko sa GMA dahil ‘yung stylist ko taga-GMA.”
Di naman din dineny ni Cristine na umakyat pa siya sa 4th floor at nagkape sa 8th floor ng building ng GMA. “Totoo ‘yun pero hindi pa kami break noon. Ang break na kami nu’ng nakita nila ‘yung kotse ko doon sa basement. Pero totoo naman po na nagpupunta doon ang koste ko pero hindi dahil kay Dennis.” And kahit na ABS-CBN talent na si Cristine di pa rin naman niya nakakalimutan ang mga naging kaibigan at kasamahan sa kabila at nafeel naman niya na welcome pa rin siya dito. “Oo, I think so. Kasi minsan nu’ng Belo anniversary lumapit ako sa table nina Ma’m Wilma (Galvante), ‘yung mga boss ko tapos bumati ako sa kanila. Tapos kinumusta pa ako ni Ma’m Wilma. Si Ma’m Ida nagyakapan pa kami.” Hindi siya banned doon? “Hindi naman siguro. Kasi nakakapasok naman ako at hindi naman nila ako tinataboy.”
Samantala, anong masasabi niya ngayong may bagong boyfriend na ang ex ni
Dennis at ina ng anak niyang si Calix na si Carlene Aguilar? “I’m happy for her if she’s happy.” Wala ring sama ng loob si Cristine kay Carlene nang di ito maimbitahan sa birthday ni Calix. “Okay lang ’yun kasi hindi ko naman mapipipgilan ‘yun. It’s her right and hindi sumama ang loob ko. Wala naman akong karapatan para sumama ang loob ko. Kung ‘yun ang gusto niya siyempre wala akong magagawa doon.” Dagdag pa ni Cristine di rin siya apektado kung ayaw ni Carlene na siya ang makatuluyan ni Dennis noon. “Ah, kasi lahat naman ng tao pwedeng magsalita ng gusto niyang sabihin, E, di ‘yun ang sinabi niya wala kong karapatan. Ayaw ko na rin ng away na, e, kaya ayoko na ring sagutin.” And if ever daw magkabalikan si Carlene and Dennis, wala rin daw nang say si Cristine doon. “Well, it’s their choice. Wala naman akong masasagot doon. And wala na rin akong karapatang magsalita dahil wala na kami ni Dennis.”
2 Comments
Ganda talaga ni Cristine Reyes… Sana lalo pang pagandahin ang mga roles niya… Grabe!
go Cristine..ganda mo talaga…