Kumpirmadong balik-The Buzz ang original co-host ni Boy Abunda na si Kris Aquino at mangyayari ito simula sa darating na Linggo, Oktubre 26. Mismong si Boy ang nagkumpirma ng balita.
Siyempre pa, tuwang-tuwa hindi lamang si Boy kundi maging si Ruffa Gutierrez at ang pamilya ng programa.
Double celebration ang nakatakdang mangyari sa The Buzz ngayong linggo hindi lamang dahil babalik na sa programa si Kris kundi magsisilbi rin itong advance birthday celebration ni Boy na ang tunay na kaarawan ay sa darating na Oktubre 29.
Personal na pinabulaanan sa amin ni Boy na ililipat na umano sa araw ng Sabado ang The Buzz dahil ayaw nang magtrabaho ni Kris sa araw ng linggo dahil nakalaan ito sa kanyang pamilya at sa kanyang inang may sakit, si dating Pangulong Cory Aquino.
Source : Pilipino Star Ngayon