Hindi minsan mawari
Ang iyong mga sinasabi
Ngayon ay sasagot ng “OO”
Mamaya naman ay “hindi”.
Ano ba talaga ang problema?
Puso ko nama’y nangangamba
Sa hirap ng nararamdaman
Ng usang taong umaasa.
Alam mo naman na ika’y mahal na.
Ako’y naghihintay sa sagot mo sinta.
Ang iyong matamis na OO’y minimithi
Para ang iyong lingkod ay hindi umuwing sawi.