Nag-expire na ang kontrata ni Marvin Agustin sa GMA Artist Center last month nang ’di napansin ng in-charge rito. Dahil dito ay mayroong balita na naman kung lilipat siya o mananatili sa GMA7.
Kapag bumalik ang aktor sa ABS-CBN o lumipat sa TV5, baka maging last show na niya sa GMA-7 ang Iglot.
Mamayang gabi na magsisimula sa GMA Telebabad ang “Iglot” kung saan kasama ni Marvin ang mga Ex-Kapamilya stars na sina Claudine Barreto, Jolina Magdangal, Pauleen Luna at Patrick Garcia.