Sa dami ng interesadong makapunta man lang sa kauna-unahang game show ni Manny Pacquiao sa GMA7, nagmistulang may rally kahapon sa labas ng GMA Annex (this is the link)!
Mukhang hindi na muna sa AFP Theater magpapilot ang show na ito ni Manny Pacquiao dahil mukhang hindi raw kakayanin ng venue ang ganun karaming tao kaya naghahanap ang network ng malaki-laking venue para sa show bukas. Antabayanan na lamang daw ng mga nakakuha ng tickets sakaling magbago ang venue. Iaannounce naman ito sa telebisyon.
Gusto rin lang kasing iaassure ng network ang safety ng mga tao pupunta sa nasabing show at maiwasan ang pinangangambahang stampede na madalas nangyayari kapag nagkagulo ang maraming tao. Handa naman ang network sa kahit na anong sakuna kaya inassure nilang may ambulance at mga medics na handang tumulong sa mga pupunta sakaling may mahimatay o nahilo dala na rin ng mainit na panahon.