Totoo nga kayang may pagsisisi itong si Cesar Montano sa naging desisyon niyang paglipat mula sa Kapamilya Network to Kapuso Network? Napabalita noong hindi siya naging okey noon sa kanyang naging role sa telefantasyang Ilumina kung saan naging supporting lang siya ng kapwa niya beteranong artista doon tulad ni Christopher de Leon.
Natagalan bago siya nagkaroon ng isang sitcom sa GMA7 at ito nga ay ang Andres de Saya na ilang beses nang napabalitangmagtatapos na kahit kasisimula pa lamang (see the link) na pinabulaanan naman ng mga cast nito (see the link).
Lalo namang lumakas ang bulong-bulungan na malapit na itong maging Kapatid at may nakahanda na siyang isang sitcom kasama niya ang mga kaibigan niyang sina Bayani Agbayani at Aga Muhlach. So kung totoong lilipat na si Cesar sa TV5, totoo ring magtatapos na ang Andres de Saya. So, ano nga bang katotohanan noon?