Natuloy na rin ang taping ni Aubrey Miles sa Pagsanjan, Laguna kahit na may bagyo. Tamang-tama namang sa putikan siya kukunan na nakisama naman ang panahon at bumit ang lagay nang mga araw na ‘yun.
Naisulat namin noong Biyernes na siya ang madadagdag na character sa Amaya (see the link). Oo nga! Madadagdag siya pero bilang guest role lang. Sinasabi ni Aubrey na “not good, not bad, but interesting role” ang magiging ganap niya rito.
3 araw lang siyang magteteyping sa seryeng ito. Abangan ang paglabas niya sa mga susunod na Linggo sa lalo pang gumagandang kwento ng Amaya!