Si Eugene Domingo ang magti-take over sa iiwanang Sunday noontime slot ng TV5 na PO5. Si Uge nga ang maghu-host ng nababalitang game show na ipapalit sa PO5, na matsutsugi na ngayong February.
Sa pagkakaalam namin ay isang franchise game show na sikat sa Europe ang ihu-host ni Uge, na ipantatapat sa ASAP at Party Pilipinas. Ayaw pang sabihin sa amin ng aming source kung anong klaseng game show ito, dahil baka ma-preempt daw at mapagalitan pa siya ng management.
Last Sunday ay nagpa-go-see na ang TV5 para mga male models na magiging bahagi ng show. Nakita naming nag-go see ang modelong si KC Thadani na lumalabas sa Comedy Bar ng GMA 7.
Sa nasabing go-see ay tila nagsimula na ring magtrabaho si Uge. Ina-annotate niya ang mga kaganapan sa go-see at siya mismo ang nag-interview sa mga models na kasama sa gosee.