Finally, napapayag na rin si Ryza Cenon na magpaseksi.
Sa remake ng Machete, kakaibang Ryza ang bubulaga sa madla.
Napaka-daring ng role niya sa Machete na dating ginampanan nina Rita Avila at Rosanna Roces. Kailangan kasing magpakita ng kalandian at katawan ang role ni Ryza, tulad ng ginawa nina Rita at Osang sa part 1 and 2 ng Machete.
Si Aljur Abrenica ang gaganap na Machete nga-yon, na unang ginampanan ni Cesar Montano, na sa January 24 na mapanood sa GMA7.
“Hindi ko pa po napanood ang unang Machete, pero ’yung Machete 2 napanood ko. Magkaiba po kasi ang dalawang Machete movies. Sobrang daring po si Ms. Rosanna Roces,” say ni Ryza.
“Hindi ko pa napapanood ’yung version naman ni Ms. Rita Avila. Pero sabi nila magaling daw siya sa movie.
“Magaling po si Ms. Rosanna at sobrang sexy siya sa Machete 2. Parang hindi ko po kaya ang ganoon ka-sexy na pagganap. Siguro gagawa na lang ako ng sarili kong interpretasyon sa role ko as Maria. May limitasyon pa rin ang pagpapaseksi ko kasi may mga batang manonood ng series namin,” katwiran ni Ryza, na in fairness, gumanda at sumeksi ngayon.