September 8 ngayong taon ay pumirma ng bagong kontrata si Sarah Geronimo na nagpapatibay sa kanya bilang isang Kapamilya at sinabi pa niyang, “At home na at home po ako at talagang napakalaki ng naitulong sa career ko ng ABS-CBN. Ito po ang tumulong na makilala ako ng mga tao bilang SarahGeronimo… sa ‘ASAP,’ aktres sa mga teleserye. Napaka-happy ko po at walang dahilan para umalis .”
At pagkatapos noon ay nagsimula na si Sarah for her teleserye na 1DOL at aminin man or hindi, talagang lumagapak ang ratings nito Kantar Media man ang pagbabasehan or AGB Neilsen. Masyado kasing magulo ang istorya at parang pilit na pilit ang paglalagay ng kantang hindi naman akma sa scenes.
Anyways, nitong linggo lang na ito ay may inannounced si Willie Revillame sa kanyang programa na Willing Willie sa TV5 na magiging Kapatid na nga si Sarah Geronimo at may nakalinya na itong programa at ito nga ay ang “Born to be a Star” na isang talent search.
Mukhang lalong lumalakas ang ugong na magiging Kapatid nga si Sarah dahil mukhang hindi maganda ngayon ang samahan ng Viva at ABS-CBN kung totoo man ito. Si Sarah kasi ay isang Viva Artist at kasamahan niya si Willie at may kaso ngayong dinidinig sa korte.
Maging Kapatid na nga ba si Sarah or manatili siyang Kapamilya? Si Sarah rin ang makakasagot niyan sa mga darating na araw!