Ang Koreana na pagbibidahan ni Kris Bernal ang ipapalit sa Basahang Ginto, madalian ang tra ba ho ng mga involve sa soap dahil Oct. 11 na ang airing. Wednesday next week na sisimulan ni Direk Gil Tejada ang taping para may trailer na maipalabas sa presscon sa Oct. 5.
Fil-Korean ang role ni Kris dito at pag-aagawan siya nina Steven Silva na gaganap sa role ng isang Korean at Rocco Nacino. Inalis si Rocco sa Paano Ba ang Maging Ina? na dapat kasama niya sina Jennylyn Mercado at Lovi Poe para ilagay sa Koreana.
Nalula si Direk Gil sa supporting cast na ibinigay sa kanya dahil pawang malalaking artista pero ayaw niya munang sabihin. Si Eddie Garcia lang ang kanyang binanggit at sa veteran actor pa lang, solved ang direktor.
Binabalasa ng GMA 7 ang team up ng kanilang mga bagong shows at ’yung unang tambalan na casting nila ay napapalitan. Gaya na lamang ni Rocco na inalis sa soap nila nina Jennylyn para ilagay sa Koreana.
Hindi na rin si Dennis Trillo ang makakapareha ni Carla Abellana sa susunod niyang soap after Basahang Ginto dahil ang aktor ang leading man ni Heart Evangelista sa Dwarfina.
Matagal nang hinihintay ang tambalan ng dalawa at may fan club pa nga sila mula nang muntik nang magsama sa isang afternoon soap na natuloy sa isang episode ng Dear Friend.
1 Comment
i agree sa paglipat ni Rocco nacino from Paano to Koreana…mas bagay sila ni Kris Bernal, noh!
Now, since Dennis has been pulled out from Carla…sino na ngayon ang bagay na ipartner kay Carla…my bet is Dingdong Dantes…para mamatay sa inggit si Marian Rivera…hahaha!