Talaga palang maganda si Gwen Zamora, one of GMA 7 new contract artists together with Andi Manzano and Ellen Adarna. Siya ang bagong Belo endorser at siya rin ang bagong Faye at makakapareha ni Vic Sotto sa Enteng Agimat. Kailangan nang palitan si Kristine Hermosa dahil magiging manugang na ito ni Vic at si Gwen ang nakapasa sa audition at napili.
Ibinalita na rin ni Gwen na kasama siya sa bagong soap ng GMA 7, ang Grizelda at mas sasaya raw siya ‘pag nasa cast si Aljur Abrenica na crush niya. Kinilig si Gwen nang makita ang actor dahil guwapo at Pinoy na Pinoy ang dating.
Si Andi ang pinsan ni Edu Manzano, pero si Ellen ang co-host ni Edu sa Asar Talo na September na ang airing. Tinanggap nito ang title na Paris Hilton of Cebu at kilala raw niya ang Paris Hilton of Manila na si Princes Violago.
I-introduce sina Gwen at Ellen sa Party Pilipinas sa August 22 at papasok din sila sa Bubble Gang. Mauunang lalabas si Andi sa show dahil this Sunday na siya ipakikilala.