Hindi pa man naihahain ni Nadia Montenegro ang kasong binabalak niyang isampa laban kay Cristy Fermin, isang libel case ang isinampa ng dating aktor at Caloocan Mayor Rey Malonzo laban sa kolumnista at co-host ng The Buzz.
Ayon sa report ng gmanews.tv, nagsampa ng P2-million libel suit si Malonzo laban kay Cristy sa Quezon City prosecutor’s office. Ang kaso ay nag-ugat sa isinulat na artikulo ni Cristy sa kanyang column sa tabloid na Bulgar noong July 8. Inakusahan ng kolumnista si Malonzo na diumano’y pinagtatangkaan ang buhay ng negosyanteng si Cristina Decena.
Sa naturang kasong isinampa ni Malonzo kay Cristy ay dawit din ang pangalan ni Decena bilang defendant.
Si Decena ay dating karelasyon ng aktor na si Phillip Salvador.
Sa naturang artikulo ni Cristy ay isinulat niya na nagpunta si Decena sa istasyon ng pulis ng Makati City noong July 7 upang i-report ang diumano’y pagtatangka ni Malonzo sa kanyang buhay.
Isinulat din ni Cristy na sina Malonzo at Decena ay dating business partners, ngunit nasira ang kanilang relasyon nang mabigo diumano ang dating alkalde ng Caloocan na bayaran ang interes ng mga ari-arian na isinanla nito kay Decena.
Inakusahan din ni Cristy sa naturang artikulo si Malonzo ng pangha-harass sa isang anak ni Decena sa pamamagitan ng text message.
Noong Marso ng kasalukuyang taon ay kinatigan ng Supreme Court ang naunang desisyon ng Lower Court kaugnay ng libel case na isinampa ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama laban kay Cristy labintatlong taon na ang nakararaan. Inutusan ng korte si Cristy na magbayad ng kabuuang danyos na isang milyong piso dahil sa isinulat noon ni Cristy na kaya umuwi ng Pilipinas ang pamilya Gutierrez ay may tinatakbuhan silang estafa case sa Amerika.
Columnist-TV host Cristy Fermin faces another libel case, this time filed by former actor and Caloocan City Mayor Rey Malonzo. The case stemmed from Cristy’s article on July 8, 2008 in Bulgar tabloid accusing Malonzo of threatening the life of businesswoman Cristina Decena.
Previous ArticleGlaiza de Castro has no problem playing support in “Gagambino”
Next Article More product placements showing up in TV programs
Mc Richard Paglicawan
LionhearTV has always believed in what the everyday reader can contribute, and has always been open to receiving input, help, or leads on stories.
Related Posts
Add A Comment